Ano ang mga gawain/naitutulong nito sa katwan ng tao upang manatili itong malusog? Ang bato ay nagsasaayos ng tubig at electrolytes ng katawan.
Inilabas ng bato ang sobrang tubig sa katawan at iniwan lamang ang mga sangkap na kinakailangan upang panatilihing malusog ang katawan. Sinasala ng bato ang dugo, ito ay upang ihiwalay o itapon ang mga dumi sa katawan na nakakalason na inilalabas sa pamanagitan ng pag-ihi.
Ang bato ay lumikha ng hormonena erythropoitein, ito ay sa pamamagitan ng pag ayos ng blood volume o dami ng dugo atasin(sodium) sa katawan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglikha ng angiotensin, isa ring kemikal na sa bato.
Anu-ano ang mga sakit sa bato at kanilang palatandaan/sintomas.Urinary Tract Infection – impeksyon o pamamaga ng daluyan ng ihi, ito ay kondisyon ng pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato, ureter at sa pantog. (Upper Tract Infection/Pyelonephritis o impeksyon sa bato)
Sintomas – nilalagnat, giniginaw, nagsusuka, pagsakit ng tiyan,tagiliran, pag-init ng katawan kapag umiihi.
Lower Urinary Tract infection
Cystitis o impeksyon sa pantog
Sintomas – Masakit sa ilalim ng puson bago umihi
Glomerulonephritis – sakit sa bato na namamaga ang mga maliliit na ugat sa Nephrons o blood filter, bagamat nagiging sakit din ito ng mga matatanda, ang kalimitang nagkakasakit nito ay mga bata. Ang maaaring pagsimulan nito ay ang tonsilitis, pharyngitis o impeksyon sa balat.
Sintomas – pamamanas, altapresyon, pamumula ng ihi kulay tsaa o coke na ihi., pagdalang ng ihi.
Nephrosis O Nephrotic Syndrome – ito ay kondisyon na nagkakaroon ng sobrang protina ang ihi at sobrang pamamanas ng katawan
Sintomas- pamamanas ng talukap ng mga mata,mukha, mga binti at paa, psngi, tiyan(buong katawan) at ihi na mabula.
Renal calculi – ito ay kondisyon na nagkakaroon ng bato (stone) sa bato (kidney) Sintomas – Masakit nag pag-ihi, may dugo ang ihi, paulit-ulit na sakit sa may tagiliran. Rena Failure – ito ay pagkalason ng dugo sanhi ng malubhang pagkasira ng mag bato. Ito ay kondisyon na wala ng nganap na kakayahan ang dalawang bato na gawin ang kanilang tungkulin. Karaniwan ito ay nakikita sa End stage Renal Disease (ESRD) kung kailan ang may sakit ay na nangangailangan ng dialysis o kidney transplant operations
Sintomas – Pagkahilo, pagsakit ng ulo, pagsusuka, hindi makatulog, pagkawala ng malay tao, pagkonti ng ihi, pamamanas, hirap huminga, pag-itim at pangangati ng balat.
Anu-ano ang mga pamamaraan upang makaiwas sa sakit sa bato. Uminom ng 8-10 (Adult) 6-8 (bata) basong tubig araw-araw(para sa mga normal ang bato)
Pamalagiin nag kalinisan ng buong katawan
Ugaliin araw-araw ang pagdumi
Huwag pigilan ang pag-ihi
Isangguni sa doktor ang anumang impeksyon sa lalamunan o balat.
Huwag paglaruan ang amseselang bahagi ng katawan tulad ng ari.
Ugaliin ang taunang pagsusuri ng ihi.
Kumain ng pagkaing masustansya, hindi sobrang maalat o matamis
Magpakuha ng presyon ng dugo dalawang beses sa isang taon
Mag-ehersisyo araw-araw ayon sa kakayahan ng katawan
Kumpletuhin ang kailangang bakuna o immunisasyon ng bata
Huwag manigarilyo
Uminom lamang ng gamot kung payo o preskrispsyon ng doktor
Kung nais uminom ng herbal supplement kumunsulta muna sa doktor